Sa mga kapwa ko OFW: Naranasan mo na ba na umuwi ng Pilipinas at lahat ng kamag-anak at kapitbahay mo ay darating at hihingi ng pasalubong? Naranasan mo na bang makatanggap ng sulat, text message o email galing sayong mga kamag-anak na humihingi ng tulong pinansyal?
Sa karamihan di na ito bago. Naranasan ko at ng kapwa ko OFW. Minsan nakakapagod na kasi kahit anong paliwanag mo na wala kang pera dahil sa maliit lang naman ang kinikita mo sa ibang bansa. Sa Hong Kong o Singapore ang kinikita ng mga DH ay nasa 19k o 20k lang naman sa isang buwan. Me dalawa o tatlong anak sa Pilipinas ay kulang pa ito kung tutuusin. Di sila makapag-ipon para sa kinabukasan nila dahil sa dami ng humihingi ng tulong sa kanila. Don't get me wrong, Hindi masama ang tumulong. Pero kung yon tinutulungan mo ay nagsisikap din para sa kanilang buhay at pamilya pero kung sila ay palagi naman ng umaasa sa padala at tulong mo ay teka muna, mali na po yan. Isang beses kang tulungan ng kamag-anak mo ay tama lng pero sana maintindihan nila na me pamilya rin kayo at me mga pangarap din kayong gustong maibigay sa sarili nyong pamilya na hindi matutupad kung sa tuwi-tuwina ay me dumadaing kang kamag-anak.
Hindi po pagdaramot ang tawag dito. Ito po ay pagpapahalaga sa pagod at hirap na dinadanas nyo sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi po tayo habang-buhay malakas. Me mga araw na magkakasakit tayo. Paano ang kinabukasan ng sarili nating mga anak kung dumating ang araw na di mo na kayang magtrabaho? Marami po akong kakilala na nagtatrabaho sa abroad ng mahigit pa sa sampung taon pero me naipon ba? Wala. Ang karamihan sa kanila nagsisisi kasi di sila naging wais sa buhay. Ngayon ay me mga edad na sila at binibilang na lng nila ang taon na pwede pa silang magtrabaho sa ibang bansa at hanggang ngayon ay patuloy na nangangarap na makapag-ipon para sa pagbabalik nila sa bansa ay me maipuhunan kahit sa isang maliit na negosyo lamang.
Maging wais na po tayo. Ating unang tulungan ang ating mga sarili bago ang iba kasi mahirap tumulong kung ikaw nga ay naghihikahos sa buhay. Kung gustong tumulong sa kapwa, tulungan mo sila na ituwid ang buhay nila. Pangaralan sila sa kung ano ang nararapat na gawin para maabot din nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Turuan po natin ang mga anak natin sa wastong paghawak ng pera. Ituro po natin ang pagpapahalaga sa mga bagay na pinaghihirapan natin para paglaki nila ay marunong sila sa buhay at kampante ka na maaabot nila ang mga gusto nilang makamit.
Sana po ito ay maintindihan din ng mga kaanak ng OFW. Hindi po sila bangko. Puyat at pagod po ang dinaranas nila sa ibang bansa para kumita ng pera para sa kanilang mga anak sa Pilipinas.
lagay ko lang link ng isang blog na nagpatawa sakin. Sakto ang mga sinabi nya about OFW. Click on Tatess blogs.
No comments:
Post a Comment